Ibinida ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang kaniyang 'customized artista van' na isang 15-seater na Ford Transit.

Makikita sa kaniyang YouTube channel ang car tour niya sa kaniyang artista van. Aniya, sa loob ng kaniyang dalawang dekada sa showbiz, ngayon lamang siya nagpagawa ng isang artista van.

Dati kasi, kapag may taping daw sa labas ng studio ay nagtutungo kaagad sila sa tent. Nang dumating na ang pandemya, naisipan na niyang magpagawa ng artista van.

Ito rin ang ginagamit niyang sasakyan kapag nagtutungo siya sa kanilang farm sa Zambales.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

Bea Alonzo (Screengrab mula sa YT)

Bea Alonzo (Screengrab mula sa YT)

"And kahit na pag pumupunta ako sa farm namin, it's like five hours away from Manila, ayoko na sana yung bababa pa ako ng gasoline station to use the restroom, only because there is the pandemic that we are facing, ano."

Halos parang maliit na bahay na rin ang van ni Bea, na maihahalintulad sa airplane cabin-like interiors. May sarili na ritong toilet at bath, lababo, higaan, ref, LCD TV, coffee station, at clothing rack. May night lights din ito na maihahalintulad sa business cabins ng Etihad Airways sa Abu Dhabi.

Higit sa lahat, pinatatakbo ito ni 'Alexa'.

"I'm so kilig about that kasi matagal ko nang gusto. I've seen some artista na meron niyan inside their van. For fun. I know, hindi naman talaga kailangan na kailangan. But it's something that I really want for fun. I'm not guilty about it," ani Bea.

Bagama't hindi niya dinetalye ang kabuuang nagastos sa kaniyang customized artista van, ang presyo ng sasakyang binili ni Bea ay aabot sa ₱2M, batay sa website ng Ford.