Magandang balita dahil libu-libong empleyado ng Manila City Hall ang inaasahang tatanggap ng dalawang buwang hazard pay, kasunod na rin nang paglagda ni Manila Mayor Isko Moreno sa P195.9 milyong pondo para dito/

Inatasan ni Moreno si City Treasurer Jasmin Talegon na ihanda ang pagbabayad sa regular na city employees na tatanggap ng P500 hazard pay kada araw para sa panahon ngenhanced community quarantine (ECQ)at modified enhanced community quarantine (MECQ) sa lungsod, o mula Marso 27,2021 hanggang Mayo 14, 2021.

Nabatid na ang pagpapalabas ng pondo na aabot sa kabuuang P195,910,548, ay alinsunod saAdministrative Order No. 43, series of 2021, na nag aawtorisa sa pagbibigay ng COVID-19 Hazard Pay sa mga government personnel na pumasok sa trabaho sa panahon ng ECQ at MECQ.

Ayon naman kay Talegon, kabilang sa mga personnel na mapagkakalooban ng hazard pay,Hazardous Duty Pay, Hazard Allowance at iba pang katulad na benepisyo, ay yaong mga public health workers, public social workers, science at technology personnel, gayundin military at uniformed personnel at iba pa na pumasok sa kanilang trabaho sa panahon ng ECQ at MECQ.

Probinsya

Senior citizen at mga alagang aso, patay matapos ma-trap sa nasusunog na bahay

Mary Ann Santiago