Muling naispatan ang aktres na si Nadine Lustre kasama ang kaniyang rumored French boyfriend Christopher Bariou habang magkahawak-kamay.

Kaya naman, nagbigay ng mensahe ang ilan sa kaniyang mga tagahanga sa pamamagitan ng Facebook page na 'Certified JaDine'. Panahon na raw upang 'bumitaw' sa posibilidad na magkabalikan ang magkatambal at mag-ex jowang sina James Reid at Nadine Lustre o mas kilala bilang 'JaDine' na unang minahal sa pelikulang 'Diary ng Panget'.

"Today, we are thankful," panimula ng caption.

"We wanted to take this opportunity to thank all the fans na hindi bumitaw. And now is the time to let go. We are indeed the happiest and at the same time the saddest people today. That's life, people come and go, some will stay.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

You deserve all the happiness, Nadine. As well as James."

"Hindi kami mawawala, James and Nadine."

Bandang Hulyo ay lumitaw ang mga larawan ni Nadine na nasa Siargao kasama ang isang French, na ayon sa pananaliksik ng mga Maritess ay owner at co-founder ng isang online magazine na 'BE Siargao'.

Siya rin ang founder at managing director ng isang luxury resort sa Siargao na tinatawag na 'Maison Bukana'.