Nagpahayag ng kaniyang buong suporta si KC Concepcion para sa kaniyang step father na si Senador Francis 'Kiko' Pangilinan na nagpahayag ng intensyong tumakbo bilang pangalawang pangulo sa ilalim ng tiket ni Vice President Leni Robredo, na tumatakbo naman bilang pangulo ng bansa.

Makikita sa kaniyang Instagram post ang mensahe niya para sa kaniyang daddy, kalakip ang lumang larawan nilang magpamilya.

"Your love for family and country is genuine and true. Thank you for all the things that you do. This is our family’s biggest milestone yet…" ani KC.

"Dad, whatever the outcome, let the welfare of others be your motivation and strength."

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

"A Harvard alumnus. A UP and La Salle raised lawyer. An Ateneo professor. 20 years of serving the people as Senator."

"You deserve my vote and the Vote of the People. May God bless the long journey towards becoming the next Vice President of the Philippines. Mahal kita."

Larawan mula sa IG/KC Concepcion

Ang biological father ni KC ay ang dating mister ni Sharon Cuneta na si Gabby Concepcion.