Kasunod ng anunsyo ng kandidatura sa pagka-pangulo ni Vice President Robredo para sa Halalan 2022 nitong Huwebes, Oktubre 7, napansin ng ilang netizens ang pagbabalik ng kontrobersyal na aktres na si Yen Santos sa Instagram ngayong Biyernes.

Matatandaang binura ni Yen ang lahat ng kaniyang Instagram posts noong Setyembre 23 matapos makaladkad sa isyu ng hiwalayan nina Lj Reyes at Paolo Contis.

Nitong Biyernes, laman ng Instagram story ni Yen ang tila pink na pader kalakip ng nakangit niyang larawan sa ibabang bahagi nito kasama ang isa pang babae.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Larawan mula sa Instagram story ni Yen Santos

Kasunod ng anunsyo ni Robredo sa kanyang kandidatura, ilang kilalang personalidad sa showbiz ang nag-post ng kulay pink sa mga larawan, kasuotan o iba pang bagay sa kanilang mga social media contents, senyales ng pagsuporta sa kandidatura ni Robredo.

Nananatiling nasa dalawang milyon ang Instagram followers ni Yen sa kabila ng pagbura nito ng kanyang posts.

Makikita ring nasa isang nature trip ang aktres kasunod ng mga larawang ibinahagi rin sa Instagram story.

Samantala, kabilang din sa nagpahayag ng suporta kay Robredo ngayong Biyernes ang aktres na si Nadine Lustre.

Nauna nang nagpost ng pink contents ang mga aktres na sina Angel Locsin at Liza Soberano nitong Huwebes.