Isasara ang bahagi ng North Avenue (eastbound o patungong Elliptical Road) sa Quezon City simula sa Oktubre 15 hanggang Hunyo 1, 2022.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), layunin ng road closure ay para bigyang-daan ang isinasagawang konstruksiyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) na proyekto naman ng Department of Transportation (DOTr).

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Nilinaw ng MMDA na ang mga sasakyan na pumapasok sa Wildlife and Veterans Memorial Medical Center ay maaari pa rin dumaan sa North Avenue.

Pinapadaan naman sa Quezon Avenue via Agham Road bilang alternatibong ruta ang mga sasakyan patungong Elliptical Road. 

Sinabi pa ng MMDA na inaasahang maliit lamang ang epekto sa trapiko ng pagsasara ng bahagi ng naturang kalsada dahil naisara na rin ito sa mga motorista kamakailan.

Bella Gamote