Kailan kaya ipapakita ang buong itsura ng dyowa ng star ng “Legal Wives” na si Alice Dixson? Bagamat hindi pa lumalabas muli ang kanyang character sa nasabing teleserye lagi namang may bagong post sa kanyang Instagram. Kaya naman hindi mo talaga mamimiss ang isang Alice Dixson dahil sa kanyang mga post sa socmed.

Speaking of kanyang karelasyon may pasilip muli sa Instagram si Alice sa kanyang minamahal na halos half face ang ipinakita habang kasama niyang nakangiti. Inlababo nga talaga ang aktres dahil ibinahagi niya sa mga netizens ang tungkol sa pagmamahal.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Sey nga niya, “When you love someone you should…?

 “Wala nmn talagang wrong or right answers d ba. Your responses are based on your personal experiences, bias, upbringing & beliefs are they not?”

              

Isa-isang nilahad ni Alice kung ano siya kapag may minamahal na tiyak marami ang makakarelate. 

Sabi niya, “Ako, When I love. I am honest, in my words and actions. I evaluate & weigh if we have the same values & goals in life to determine if we’re headed in the same direction,"

            

“I am a friend. I am forgiving, but only to the extent na kaya ko. Pag paulit-ulit na mahihirapan na ako. No one can constantly hurt,"

             

“I accept your past. Wag mo lang ikwento masyado mga exes mo, I don't want to know everything; only that they are your past & I am your future,"

             

“I am generous with my time & attention but I leave room for myself. Kayo rin,"

Sinang-ayunan at nagustuhan ito ng mga netizens. Sabi nga ng isa malinaw at tumpak daw ang paglalarawan ni Alice. Ang mga salita raw na galing sa isang wise woman na marami nang pinagdaanan.

Pinuri rin nila ang kagwapuhan ng dyowa ni Alice na kahit bitin daw dahil laging pahapyaw ang pagpapakita sa social media appreciated naman. Ani nga ni Alice sa isang interview public property na raw siya dahil isa siyang artista pero i-reserve naman daw na maging private ang kanyang lovelife. Tanong pa ng netizen, kung kasal na ba sila ng kanyang karelasyon? Hintay lang tayo at malalaman din natin yan.

Yun na!