Binasag na ni 'Wowowin' TV host Willie Revillame ang kaniyang katahimikan kung tatakbo ba siyang senador sa Halalan 2022.

“Hindi ko po kailangan kumandidato. Hindi ko po kailangan manalo. Ang kailangan ko ay makasama kayo. Dahil sa puso ko, sa isip ko, dapat laging ang mga Pilipino ang panalo,” pahayag niya sa mismong programa niyang 'Tutok to Win sa Wowowin' nitong Huwebes, Oktubre 7, 2021.

Ibang 'COC' ang ipinakita niya sa publiko: ang certificate of contract niya sa GMA Network upang maipagpatuloy ang paghahatid ng saya at tulong sa publiko.

“Ako po si Wilfredo Revillame, nanunumpa sa inyo dito lang ako sa 'Wowowin' para magsilbi sa inyo,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Nitong mga nagdaang buwan ay maraming espekulasyon ang nabuo na baka pasukin na rin niya ang politika, lalo't mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanghikayat sa kaniya na subuking kumandidato sa senado.