Binalaan ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Guillermo Eleazar ang mga opisyal at tauhan nito na iwasang magkabit ng campaign materials ng mga kandidato sa kanilang mga kampo, presinto at sasakyan.

Inilabas ni Eleazar ang babala dahil na rin sa pagtatapos ng paghahain ng certificate of candidacy para sa national at local positions sa Oktubre 8.

Partikular na ipinagbabawal ng heneral ang paggamit ng mga tauhan nito ng mga poster at sticker ng mga nagsusulputang kandidato.

Iniutos na rin nito ang pagtukoy sa mga pulis na may kaanak na kandidato upang mailipat ang mga ito kanilang assignment upang maiwasan ang partisan politics sa hanay ng pulisya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Jun Fabon