Matapos ang pag-amin ni AJ Raval sa isinagawang panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP hinggil sa real score sa pagitan nila ng aktor na si Aljur Abrenica, tila mas naging 'open' ngayon ang pagkakamabutihan ng dalawa dahil pinagpipiyestahan ngayon sa social media ang kanilang mga litrato na ibinahagi ng mga netizens na nagpa-selfie sa kanila.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/06/aj-raval-umaming-kilig-pechay-kay-aljur-we-care-for-each-other/">https://balita.net.ph/2021/10/06/aj-raval-umaming-kilig-pechay-kay-aljur-we-care-for-each-other/

Makikita sa mga larawan na magkasama sina AJ at Aljur sa isang mall, at sa isang kuha, makikitang magkahawak-kamay pa sila. Bagama't nakatalikod, naging resibo ng mga netizens ang mga selfie sa kanila ng mga netizens na nakakita sa kanilang magkasama. Parehong-pareho sa suot nilang damit.

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

Aljur Abrenica at AJ Raval (Larawan mula sa FB/Dion Simplicio

Nakita rin sila ng isang netizen habang namimili ng laruan, na ibinahagi naman sa TikTok.

Aljur Abrenica at AJ Raval (Larawan mula sa TikTok/Danica Duque)

Aljur Abrenica at AJ Raval (Larawan mula sa TikTok/Danica Duque)

Aljur Abrenica at AJ Raval (Larawan mula sa TikTok/Danica Duque)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

"Hayaan na natin sila, buhay nila 'yan. Basta walang iyakan ha? Huwag lang sana tayong makakita ng isang starlet na iiyak-iyak sa mga interview kasi najontis ng isang may asawa."

"Iba talaga ang kamandag ng hotdog ni Aljur! Mahilig sa anak ng action stars ang lolo n'yo!"

"Technically, Aljur is still a married man. Naku AJ girl, you are young, fresh, and pretty. Talented din naman. Huwag mo sana sayangin ang buhay mo… mag-isip kang mabuti if it's worth it! Huwag daanin sa emosyon, girl! Lalaspagin ka lang niyan."

Si Kylie Padilla naman ay nag-tweet na, na wala na siyang pakialam kung may iba nang ide-date ang hiniwalayang mister.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/02/kylie-padilla-sa-pagkakaugnay-ni-aljur-kay-aj-raval-there-is-no-issue/">https://balita.net.ph/2021/10/02/kylie-padilla-sa-pagkakaugnay-ni-aljur-kay-aj-raval-there-is-no-issue/

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang pahayag si Aljur hinggil sa real score nila ni AJ.