Inunahan na ni Megastar Sharon Cuneta ang mga 'advance mag-isip' at malisyosong mga Maritess, matapos niyang ipaliwanag na ang private plane at helicopter na sinakyan niya patungong Amerika ay hindi sa kaniya, kundi sa kaniyang mabait na kaibigang nag-alok sa kaniyang gamitin ito.

Makikita sa Instagram post ni Mega nitong Oktubre 4, 2021 ang video niya habang pasakay sa isang pulang private chopper. Aniya, hindi umano sa kaniya ang naturang private plane at chopper, at kung sa kaniya man, hindi na niya ito i-uupload.

"Plane to chopper. And I need to buy new clothes cos mine now are falling off me na! (Di ko ho ipopost ito kundi nalibre lang po kami ng mga kaibigan namin mag-private plane at chopper. Jusko kung ako nagbayad lahat ng ito di n'yo na nakita pics."

Mukhang kailangan na umanong bumili ng mga damit ni Shawie dahil pumapayat na siya. Kaya naman, agad kumabyo si Mega at nilinaw niya na naman sa mga netizens na hindi siya sumakay ng private plane at chopper para mag-shopping. Mas mainam na umanong advance magpaliwanag para sa mga 'taong madaling makaintindi.'

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Nabanggit ko rin lang na I need to buy new clothes kasi nalalaglag na ang mga damit ko, as an afterthought. Hindi ako sumakay ng chopper at plane para lang mamili ng damit. Sorry po sa karamihan sa inyo na madaling makaintindi at naabala pa kayo ng explanation para sa mga di alam yata ang nangyayari at lalong hindi kilala ang ugali at puso ko."

Sharon Cuneta (Larawan mula sa IG)

Kamakailan lamang, isang netizen ang kumuwestyon sa kaniya dahil tila wala umano siyang pakialam sa anak na si KC Concepcion, na naninirahan ngayon sa Los Angeles, California. Nasa Amerika ngayon si Shawie upang dalawin ang anak na si Kakie Pangilinan, na ngayon ay nag-aaral doon.