"Ohhh jivaah"

Lumelevel up na nga talaga si Madam Inutz, dahil magiging housemate na siya sa bahay ni Kuya.

Ito'y matapos siyang makatanggap ng sulat mula kay Kuya habang nagfa-Facebook live nitong hapon.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Photo courtesy: Pinoy Big Brother/FB

Nakalagay sa sulat ang unang task ni Madam Inutz na kung saan binibigyan lamang siya ni Kuya ng 15 minuto upang makapag livestream agad sa Kumu app at makipagkamustahan sa Kumunity.

Winelcome siya ng mga PBB host na sina Bianca Gonzales, Enchong Dee, at Melai Cantiveros.

Tinagurian siyang "Ang mama-bentang live seller ng Cavite." Siya ang ikatlong celebrity housemate na makakapasok sa bahay ni Kuya para sa season 10 ng Pinoy Big Brother.

Ni-reveal din ng PBB ngayong araw ang dalawa pang housemates na sina Allysa Valdez at KD Estrada.

Nakilala si Daisy Lopez, mas kilala bilang Madam Inutz, dahil sa pagiging "hypebeast" at pagiging kwela niya sa pagbebenta ng mga damit. Maaalala rin na nag-viral siya nang magbenta ng damit na mukhang pang burol.

Bukod sa pagsayaw sa harapan ng kaniyang mga prospective buyers, ang kinaaliw pa ng netizens ay ang pagtawag niya ng ‘inutil’ sa mga nakatambay o nanonood sa kaniyang live online selling.

Basahin:https://balita.net.ph/2021/08/12/madaminutz-online-seller-na-walang-miners-pero-hakot-sa-viewers/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/08/12/madaminutz-online-seller-na-walang-miners-pero-hakot-sa-viewers/

Matatandaang pumirma rin siya sa isang talent agency na Star Image Artist Management noong Agosto 13. Ngunit makalipas ng ilang araw ay bumitiw ito sa naturang ahensya dahil sa ilang mga problema.

Basahin:https://balita.net.ph/2021/08/15/queen-inutz-bumitaw-na-sa-star-image-artist-management/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/08/15/queen-inutz-bumitaw-na-sa-star-image-artist-management/

Ngunit hindi pa naging huli ang lahat para kay Madam Inutz dahil pumirma siya ng kontrata kayfirst-ever Mr. Gay World Philippines title holder, businessman, social media influencer, at philanthropist Wilbert Tolentino.

Naging maganda ang career ni Madam Inutz nang pumirma siya kay Wilbert, katunayan nga noong Setyembre ay naglabas sila ng music video para sa kanyang kanta na "Inutil" na talaga nga namang pinagkagastusan.

Basahin:https://balita.net.ph/2021/09/24/madam-inutz-recording-artist-na-mv-ng-single-niyang-inutil-ginastusan/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/09/24/madam-inutz-recording-artist-na-mv-ng-single-niyang-inutil-ginastusan/

Ang tanong, excited na ba kayo kung ano ang gagawin ni Madam Inutz sa PBB?