Nanguna sa Billboard Hot 100 ang kauna-unahang collaboration ng South Korean band BTS at Coldplay sa kantang “My Universe,” anunsyo ng music record chart nitong Martes, Oktubre 5.

Music Video Poster ng "My Universe"

Na-dethrone ng kanta ang six-week number one charter “Stay” nina The Kid Laroi at Justin Bieber.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ito ang ika-anim na kanta ng BTS na nag-peak sa nasabing chart kasunod ang mga chart-topping hits “Dynamite,” “Life Goes On,” “Permission to Dance,” “Butter” at “Savage Love.”

Pangalawa naman ito ng bandang Coldplay matapos ang 2008 “Viva La Vida” hit.

Sa pag-uulat nasa mahigit 146 million na ang pinagsamang streams ng kanta sa Youtube at Spotify mula nang ilabas ang kanta nitong Setyembre 24, at ang official music video noong Setyembre 30.