Naghain din si datingDepartment of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar nitong Miyerkules ngcertificate of candidacy (COC) sa pagka-senador.

Si Villar ay sinamahan ng kanyang asawa na si Emmeline Villar sa paghahain nito ng COC sa Sofitel Tent sa Pasay City.

Kumakandidato si Villar gamit ang Nacionalista Party kahit nauna nang binanggit ng grupo ni Energy Secretary Alfonso Cusi na ka-ticket nila ito PDP-Laban.

Matatandaang nahalal si Villar bilang kongresista ngLas Piñas City noong 2010. Nanalo rin ito matapos tumakbo sa ikatlong termino noong 2016 hanggang sa italaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kalihim ng DPWH noong Agosto 1, 2016.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Gayunman, inanunsyo niya nitong Oktubre 4 na nagbitiw na siya sa kanyang puwesto.

Jel Santos