Umaani ngayon ng paghanga si Miss World Philippines 2021 candidate Michelle Arceo dahil sa kaniyang matapang na sagot, sa tanong na “Would you rather live in a world without the pandemic or without corruption?” na ibinato sa kaniya ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Matapang at straightforward ang kaniyang naging sagot. “I would pick a world without corruption because we are surrounded by it every day, everywhere we look,” aniya.

"People every day suffer from it, and if we can eradicate that, we can solve so many problems and we can get through a pandemic easily the next time we go about it,” pagpapatuloy pa niya.

'Pak na pak' umano ang kaniyang sagot, ayon sa mga netizens, lalo't naroon bilang mga hurado sina Harry Roque at Senador Ramon 'Bong' Revilla, Jr. na nasangkot sa isyu ng pangungurakot.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Si Arceo ang nag-uwi ng korona bilang Miss Environment Philippines 2021.