Ibinahagi ni Kuya Kim Atienza sa kaniyang Instagram ang video clip ng napakainit na pag-welcome ng GMA Network sa kaniyang paglipat, sa napanood sa flagship newscast nito na '24 Oras' na magiging bahagi rin siya.

"Maraming salamat Kapuso sa napakainit na pagtanggap! My heart overflows! Here's to many more years of television being the best Kuya Kim I can be," ani Kuya Kim.

Nagpaabot ng video message sa kaniya ang mga Kapuso executives gayundin ang kaniyang kumpare at kumare na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Larawan mula sa IG/Kim Atienza

Excited na rin ang mga bago niyang makakasama na sina Mike Enriquez, Vicky Morales, at Mel Tiangco.

Sa bandang dulo, nagpaabot din ng pagbati sa kaniya si Mang Tani, ang resident meteorologist at weather forecaster ng 24 Oras.

Nitong Oktubre 4 ay nag-post siya ng kaniyang litrato habang siya ay nasa harapan ng GMA Network Center kasama si Noel Ferrer. Ito raw ang unang beses na tatapak siya sa bakuran ng Kapuso Network, kaya surreal ang nararamdaman niya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/04/kuya-kim-nag-post-na-ng-larawan-na-ang-background-ay-gma-network-center/

Sinasabing hindi umano papalitan ni Kuya Kim sa 24 Oras; bagkus ay baka trivia segment umano ang gawin niya, at si Mang Tani naman para sa weather forecast.

Inaasahang mapapanood si Kuya Kim sa morning talk show na 'Mars Pa More' at bagong trivia-information show na 'Dapat Alam Mo' sa GTV, ang sister company ng GMA Network.