Na-pressure lamang umano ang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na si Krizle Grace Mago kaugnay ng ibinigay niyang testimonya sa Senadona "niloko" ng kumpanya ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagbebenta ng sirang face shields.

Reaksyon ito ni Mago nang dumalo sa pagdinig ngHouse committee on good government and public accountability nitong Lunes, Oktubre 4.

“Regarding my previous testimonies on questions pertaining to swindling the government, I do admit it was a pressured response.Given the level of pressure I was under and the rush of emotions associated with the allegations made and my subsequent admission, I was not in the best frame of mind to think clearly,” katwiran ni Mago.

Nitong nakaraang linggo, isinalang ni Senator Richard Gordon sa imbestigasyon si Mago sa Senado at inaming maaaring pinerahan ng Pharmally ang pamahalaan nang palitan ang expiration date ng mga idiniliber na face shields.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bukod dito, sinuportahan din ni Mago ang naging alegasyon ng isang bodegero na inutusan sila ng opisyal ng kumpanya na palitan ng bago ang certificate ng mga face shields bago idiniliber sa pamahalaan.

Matatandaang hindi na rin makontak ng mga senador si Mago matapos ang kanyang pagtestigo sa Senado hanggang sa ibunyag ng Kamara na nagtungo sa kanila si Mago at isinailalim na rin sa "protective custody."