Sa paglisan ni Kuya Kim Atienza sa ABS-CBN, isa sa mga tiyak na makaka-miss sa kaniya ang kasama sa dressing room at kasamahan sa TV Patrol na si Gretchen Fullido, ang resident showbiz forecaster ng naturang flagship newscast.

Kaya naman sa mga latest Instagram posts ni Gretchen, ibinahagi niya ang litrato nila ni Kuya Kim, sa mga huling sandali nito sa TV Patrol. Mamimiss daw niya ang kanilang tambalang #KIMCHEN, gayundin ang kanilang balak na pag-akyat sa giant antenna ng network kapag nabigyan na ulit sila ng prangkisa.

"Got hundreds of photos to share and so much more funny videos but I can only put 10 in this carousel Di bale, marami naman akong pang throwback! Hahaha!"

"Kung saan saan kami nakarating for the #KIMCHEN gap show. Ang daming kalokohan at aakyat pa dapat kami ng ABS-CBN Millennium Transmitter (Giant Antenna) kung ma-rerenew yung franchise."

Tsika at Intriga

Kris Aquino, nagsalita sa chikang ikinasal na siya sa non-showbiz boyfriend

"To my dressing roommate on TV Patrol for 11 years, my triathlon teammate, my KimChen partner, to the number one alaskador on set, my Kuya and sorta kinda a father figure to me (halos magka-age sila ng Erps ko kasi) l will super dooper miss you Kuya Kim!"

"Kahit nasaan ka man, we will support you always. Excited for the blessings and opportunities in store for you! Sabi mo nga: “Ang Buhay ay weather weather Lang…”

Isa pang pinusuan ng mga netizens ay ang throwback photos niya kasama ang mga dating news anchors at maituturing na mga haligi ng ABS-CBN News na sina Ted Failon at Korina Sanchez. Si Ted Failon ay lumipat na sa TV5 habang si Korina ay nasa Brightlight Productions at ginagawa pa rin ang 'Rated Korina' na napapanood sa TV5, Kapamilya Channel at A2Z Channel 11.