Nagpasya na naman ang mga kumpanya ng langis sa bansa na magpatupad ng malakihang dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa Martes, Oktubre 5.

Dakong 6:00 ng umaga ng Martes, magtataas ang mga ito ng₱2.05 sa kada litro sa presyo ng diesel at kerosene at₱1.45 naman ang idinagdag sa presyo ng gasolina nito.

Kabilang sa mga kumpanyang magtataas ng presyo ang Petro Gazz, Cleanfuel, Caltex, Seaoil,PTT Philippines, Phoenix Petroleum Philippines at Petron.

Idinahilan nila ang paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ito na ang ikaanim na sunod na linggong oil price increase na ipinatupad ng mga kumpanya.

Bellla Gamotea