Pinadapa ng San-En NeoPhoenix ni Thirdy Ravena ang Shiga Lakestars, 101-96, ng utol na si Kiefer sa overtime ng kanilang sagupaan sa Japan B.League nitong Linggo, Setyembre 3.

Nanguna sa San-En si Thirdy sa naibuslong 21 puntos pitong rebounds at limang assists habang ang utol na si Kiefer ay nakagawa ng 20 puntos, pitong assists para sa Lakestars.

Nawala ang bangis ng Shiga sa overtime period sa 16-11 na ratsada ng San-En, tampok ang pitong sunod na puntos upang simulan ang extra period ng laro sa nakuhang kalamangan, 92-85.

Tinangkang idikit ni Kiefer ang laban, 94-89, gayunman, agad na gumanti ng isang tres si Thirdy kaya nadagdagan ang kanilang abante, 97-89 sa huling 2:22 ng laban.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ginamit na lamang ng San-En ang nalalabing oras nang harangin ang tangkang pagratsadang Shiga.

Ito na ang ikalawang panalo ng San-En sa kanilang road showdown sa pagsisimula ng season.