Hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga sworn statements ng mga nakausap o nakasama ng visual artist na si Bree Jonson bago matagpuan ang bangkay nito.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, puspusan na ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng NBI sa mga saksi kabilang si Julian Ongpin na nakausap ni Jonson para sa isinasagawang parallel investigation.

Magugunitang natagpuan na lamang na wala nang buhay si Jonson sa isang kuwarto ng isang resort sa San Juan, La Union nitong Setyembre 18.

Naiulat na kasama ni Jonson ang partner na si Julian Ongpin nang matuklasan ang insidente.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Paliwanag naman ng NBI, kailangan pa nilang magsagawa ng karagdagang pagsusuri upang malaman ang dahilan ng pagkamatay ni Jonson kahit pa tapos na ang autopsy sa bangkay nito.

Gayunman, pansamantalang tumanggi si Guevarra na banggitin kung ano ang findings ng NBI sa autopsy.

Matatandaang kinasuhan si Ongpin ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002 matapos masamsamsa kama ng tinutuluyan nilang hotel ang 12.6 gramo ng cocaine.Sa unang ulat ng pulisya, positibo sa paggamit ng cocaine sina Ongpin at Jonson.

Beth Camia