Nagdiwang ng ika-21 taong kaarawan ang tinaguriang "All purpose Queen" Yasmin Marie Asistido o "Kween Yasmin," na ginanap sa pamamagitan ng Zoom, Oktubre 2.

Kasama ang mga Yasminnatics at Yasminnation, nakasama niya ang kanyang mga fans sa kanyang birthday concert.

Dahil sa pandemic, hindi nagawang i-meet ni Kween Yasmin ang kanyang mga fans kaya naman online na lamang niya ito isinagawa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Larawan: Yasmin Marie M. Asistido/FB

"Hopefully to meet you everyone. After this pandemic. Love you too guys," mensahe ni Kween Yasmin sa kanyang mga fans.

Ngunit nagkaroon ng mga technical difficulties tulad ng pagha-hang ng kanyang laptop ang birthday girl kaya naman nagkaroon ng ilang interruptions.

"Pero thankful dahil naging successful and I promise I will continue what I am doing thanks for supporting us until the end of life. Hangga't ako'y nabubuhay tuloy lang. thanks to all people love you all. Thanks for supporting us to me. Love u too guys," ani Kween Yasmin.

Matatandaan na kamakailan lamang ay nagsagawa si Kween Yasmin ng kanyan photoshoot ilang araw bago ang kanyang kaarawan.

Basahin: Kween Yasmin, ‘di nagpakabog sa kanyang first-ever photoshoot

Larawan: Yasmin Marie M. Asistido/FB

Samantala, matapos ang online birthday party ay sinabi nito sa kanyang Facebook post na maglalabas siya ng bago niyang kanta na pinamagatang "Tulog na."