Namaalam na nga sa TV Patrol ang resident weatherman at trivia master nitong si Kuya Kim Atienza, sa huling bahagi ng live telecast nito noong Oktubre 1, 2021.

"For the last time… sa huling pagkakataon… hayaan ninyong sabihin ko, ang buhay ay weather weather lang!" madamdaming pahayag ni Kuya Kim. Pinasalamatan niya ang mga bosses, dati at kasalukuyang kasamahan sa TV Patrol at iba pa niyang naging programa sa Kapamilya Network sa loob ng halos 17 taon.

Kasabay nito, naglabas naman ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN News para sa panibagong journey sa career ni Kuya Kim, sa pamamagitan ng kanilang social media account.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Larawan mula sa IG/ABS-CBN PR

"No doubt, Kuya Kim has become an iconic name on Philippine television just like his predecessor in our primetime newscast, the late Ernie Baron. For 17 years, he shared knowledge and wonder to our viewers, as well as the many young Filipinos who grew up watching and learning from him in 'Matanglawin,'" bahagi ng pahayag ng ABS-CBN News, na may bersyon na nakasulat sa wikang Filipino.

"We thank him for his dedication, passion, and most of all, service to the Filipino people. All the best, Kuya Kim!"

Sinsabing ang papalit umano kay Kuya Kim ay ang ANC sportscaster at commentator Migs Bustos.