Nasa 60 milyong doses na ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine ang inilaan ng pamahalaan para sa pagpapabakuna ng mga kabataan sa bansa.

Ito ang inanunsyo ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na nagsabing sakop na ng nabanggit na bilang ang dalawang dosage ng bakuna sa mga ito.

“We have allocated doses that are good for 17.7 milllion people. Our population for adolescents and children is more or less 29 million so we will be allocating more or less 60 million doses,” pahayag ni Galvez.

Sa pilot implementation, ang mga bata na edad 12-17 na mayroong comorbidity muna ang babakunahan kung saan tiyempo ito para naman sa napipintong pagpapatupad ng limited face-to-face classes sa mga low risk areas. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inaasahan na 29 milyong kabataan ang magpapabakuna. 

Beth Camia