Nakiusap sa publiko ang dating grand winner ng 'Pinoy Big Brother: Lucky 7' at ngayon ay actress, TV host, at model na si Maymay Entrata na huwag silang gawan ng isyu ng Kapamilya actor at TV host na si Donny Pangilinan.

Sa kaniyang tweet nitong Oktubre 2 na nagpa-trending sa kaniya, sinabi niya na walang namumuong romantic relationship sa pagitan nilang dalawa. May mga tagahanga kasi ng dalawa na bumuo ng fans club na 'MayDon,' kahit na may sari-sarili silang loveteams.

"Gusto kong magpasalamat sa bawat isa sa mga sumuporta sa akin since day one. Sa lahat ng MayDon fans thank you pero gusto ko rin pong klaruhin na wala pong namamagitan sa aming dalawa. Sana ma-stop po ang pag-spread ng rumors about sa amin. Maraming salamat po," ani Maymay.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Larawan mula sa Twitter/Maymay Entrata

Sa ngayon, isa sa mga sumisikat Kapamilya loveteam ang 'DonBelle' nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, na nabuo sa series na 'He's Into Her.' Katambal naman ni Maymay si Edward Barber na nakasama rin niya sa PBB House.