Para kay Kapuso actress Kylie Padilla, walang isyu sa kaniya kung kanino man maiugnay na babae ang hiniwalayang mister at ama ng kaniyang anak, na si Aljur Abrenica.

Kamakailan kasi ay napabalitang may relasyon si Aljur at ang young sexy star na si AJ Raval, batay na rin sa mga rebelasyon ng personalidad na si Christian Albert 'Xian' Gaza. Sa tweet naman ni Kylie nitong Oktubre 1, ipinaliwanag niya na Abril pa lamang ay hiwalay na sila ni Aljur, at mutual decision umano ang namagitan sa kanilang dalawa. Huwag na rin umanong idamay pa ang ibang tao sa kanilang naging hiwalayan.

Aljur Abrenica at AJ Raval, may relasyon nga ba?
Aljur Abrenica at AJ Raval (Larawan mula sa Balita Online)

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/30/aljur-abrenica-at-aj-raval-may-relasyon-nga-ba/

"Guys there is no issue. We separated April pa and we have already mutually agreed to date other people. Please stop dragging other parties into this," aniya.

Screenshot mula sa Twitter/

Hindi na rin umano siya magsasalita sa tunay na dahilan kung bakit sila naghiwalay.

"I have no intention of disclosing anymore of what happened because I want to cherish the littlest ounce of privacy I have left," paliwanag ng aktres.