Nagbabadya na namang magpatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng malaking dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtataya ng industriya ng langis, posibleng magtaas ng₱1.95-₱2.05 sa presyo ng kada litro ng diesel,₱1.90-₱2.00 sa presyo ng kerosene at₱1.45-₱1.55 ang idadagdag naman sa presyo ng gasolina, sa Martes, Oktubre 5.

Ang nakaambang price adjustment ay bunsod ng patuloy na paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado

Kung susumahin, ang limang linggong pagtaas ng presyo sa petrolyo sa mga petsang Agosto 31, Setyembre 7, 14, 21 at 28, ay umabot na sa kabuuang₱3.60 ang nadagdag sa diesel, ₱3.25 sa kerosene at ₱2.65 naman sa gasolina.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bella Gamotea