Prangkang sinagot ng Kapamilya teen star na si Andrea Brillantes ang mga piling tanong sa kaniya ng mga followers, para sa vlog entry niyang 'READING YOUR ASSUMPTIONS ABOUT ME' na umere noong Setyembre 25, 2021.

Bago iyon, isa sa mga naitanong sa kaniya kung 'mean girl' ba siya sa school niya. Sagot niya, baliktad pa nga ang sitwasyon dahil siya ang inaaway ng ilan sa kaniyang mga kaklase, kaya lumaki siyang mahiyain at ilag sa kaniyang mga kaklase. Sanay umano siyang walang kaibigan sa paaralan.

Larawan mula sa YT/Andrea Brillantes

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

At isa pasa mga tanong na matapang niyang sinagot ay ang haka-hakang wala umano siyang kaibigan sa showbiz industry.

"Lumaki naman talaga akong walang friends. Hindi na importante sa akin na marami akong kaibigan. Kasi nga believe it or not, alam n'yo naman, maraming plastik sa showbiz," pag-amin ng young actress.

Isa sa mga itinuturing niyang kaibigan sa showbiz ay ang katambal niyang si Seth Fedelin.

Hindi lang umano siya pala-post sa social media sa mga paglabas-labas nila ng ibang artista, subalit masasabi niyang 'civil' naman sila. Kontento na raw siya na ang best friend niya ay kaniyang nakatatandang kapatid na babae.

"Alam mo kapag naging best friend mo ang ate mo, hindi mo na hihilingin pa na magkaroon ka ng ibang friend," aniya.

Sinagot din niya ang iba pang mga isyu gaya ng pagiging 'mean girl' umano sa school, pagiging retokada, pagiging maarte, masungit, snob, impulsive buyer, atbp.

Panoorin ang kaniyang vlog sa YouTube channel: