Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Inter-Agency Task Force (IATF) na iklian ang quarantine period para sa umuuwing overseas Filipino workers (OFWs) na bakunado.

Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte nitong Huwebes ng gabi, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na isinasapinal na nila ang plano na paikliin ang quarantine period ng lima hanggang pitong araw.

“‘Yong iba earlier during this thing COVID came in, they were talking about the incubation period of about seven days lang… I may be wrong, I may have misheard pero kung totoo ‘yan eh 7 days na lang para kasi pagpasok niyan, it will manifest sa katawan mo within 7 days… Beyond that, medyo wala na, ‘yan ang sabi nila,” ayon sa Pangulo.

"Naaawa ako sa mga kababayan nating OFWs, pati ‘yong utang natin kasi ‘yong mga hotel na ginagamit natin, maganda eh,” anito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagbiro naman ang Pangulo na kung nais ng isang indibiduwal na makaranas ng hotel services ay magpahawa lamang ito ng virus.

“Kung gusto mong makatikim ng magandang hotel, magpahawa ka lang. Mamili ka ng hotel na gusto mo. Kung bata ka, dalawa kayo ng girlfriend mo magpahawa. Mag-honeymoon kayo doon. Medyo may lagnat lang ng kaunti pero kaunti lang,” dagdag na pahayag ni Duterte.

Beth Camia