Sa burado nang shared post ng official Facebook page ng Binibining Pilipinas, inulan ng batikos ang organisasyon kasunod ng caption nitong “Natural woman” na suspetsa ng netizen ay isang “shady post” ukol sa openly-gay Miss Universe Philippines 2021 na si Beatrice Luigi Gomez.

Nag-share ang Facebook page ng Binibining Pilipinas (BBP) sa latest upload ng Miss International tampok si Miss International Philippines 2021 Hannah Arnolds nitong Biyernes, Oktubre 1.

Burado nang Facebook shared post ng Binibining Pilipinas

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa caption nitong 'Natural woman,' ilang netizens ang umalma ukol sa "shade" o batikos nito at tila pagpapatungkol sa newly-crowned at openly-gay Miss Universe Philippines 2021 na si Beatrice Luigi Gomez.

Tinira ng pageant fans ang tila salungat sa adbokasiyang 'women empowerment' ng BBP sakaling isang patama nga ang caption sa bagong Miss Universe Philippines 2021.

Narito ang ilang reaskyon ng fans:

Screengrab mula sa comment box ng ngayo'y burado nang shared post ng Binibining Pilipinas

Si Gomez ang kauna-unahang openly gay na magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe.

Taong 2020 nang unang humiwalay ang Miss Universe franchise sa Binibining Pilipinas Charity Incorporated (BPCI).