Humingi ng tawad ang kontrobersyal na si Christian Albert Gaza o mas kilala bilang Xian Gaza kina AJ Raval at Aljur Abrenica dahil umano sa isyung pinakalat niya na posibleng si AJ ang bagong 'apple of the eye' ni Aljur, na ginawan pa niya ng blind item.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/30/aljur-abrenica-at-aj-raval-may-relasyon-nga-ba/">https://balita.net.ph/2021/09/30/aljur-abrenica-at-aj-raval-may-relasyon-nga-ba/

Aljur Abrenica at AJ Raval (Larawan mula sa Balita Online)

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ayon sa kaniyang Facebook post nitong Setyembre 30, 2021, nasensationalize umano niya ang dalawa para sa promotion ng kaniyang bagong chismis app na 'ISYUS' kung saan, ibinahagi nga niya ang 'connect-the-dots' sa lumabas na larawan ni Aljur habang nagkakape sa labas ng isang bintanang may rehas na itim, na match naman sa ipinakitang bintana sa kuwarto naman ni AJ, sa bahay nila sa Pampanga. Mapapanood ito sa vlog ng sexy actress.

"Nakausap ko na AJ Raval. Humingi ako ng tawad dahil sinensationalize ko silang dalawa para ma-promote yung ISYUS app ko kahit wala naman talagang mali sa kanila. Napatawad na nila ako. Pinapasabi ni Aljur na salamat daw last July at ipinagtanggol ko siya laban sa mga Padilla," saad ni Xian.

"Sabi naman ni AJ see you soon daw. Wala siyang idea na sa hotdog ni Aljur talaga ko interesado. Case closed," banat pa niya.

Nauna nang pinabulaanan ni AJ ang mga blind items ni Xian.