Napaiyak umano ang Kapuso comedian na si Pokwang matapos mapanood ang pamamakyaw ni Kapuso heartthrob Alden Richards, sa mga paninda ng komedyanteng si Betong Sumaya, sa naganap na live selling nito.

"Yung pinaiyak ako ng live selling sa FB ni @amazingbetong at sinimot ni #AldenRichards ang paninda niya! Nakakaiyak at kahanga-hanga ang busilak mong puso #AldenRichards. God bless you more nak," ayon sa tweet ni Pokwang.

Screenshot mula sa Twitter/Pokwang

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Image
Screenshot mula sa Twitter/Pokwang

Marami sa mga netizens ang nagpahayag na tila genuine talaga ang kabutihan ng puso ni Alden, bagay na pinatotohanan naman ni Mamang.

"Totoo mare may na-experience ako sa pagiging generous niyan sa aking mga paninda," segunda niya.

Sa ngayon ay posible nang magkasama sa isang proyekto sina Pokwang at Alden, dahil nasa Kapuso Network na ang komedyante.