Maghahain ng kanilang certificate of candidacy (COC) sina Manila Mayor at presidential candidate Francisco "Isko Moreno" Domagoso at ang kanyang running mate na si Dr. Willie Ong sa Lunes, Oktubre 4.

Sa isang panayam sa DZMM, kinumpirma ni Ong na personal silang pupunta sa Commission on Elections (Comelec) office para maghain ng kanilang COCs.

“Sabay kami magfa-file. May date na kami, may oras na," ayon kay Ong.

Matatandaang opisyal na idineklara ni Domagoso ang kanyang presidential bid sa 2022 national elections kasama si Ong bilang kanyang bise presidente noong Miyerkules, Setyembre 22. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Jaleen Ramos