Patay ang isang umano'y may-ari ng isang drug den habang arestado ang tatlong pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga sa naganap na sagupaan sa gitna ng buy-bust operation sa Taguig City nitong Martes. 

Dead on arrival sa Taguig Pateros District Hospital ang suspek na si Lorne Basilan, 57, umano'y owner ng drug den sa lungsod, sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan.

Aresto naman ang mga suspek na sina Juan Tenerife Bernardo, alyas Duks, 40; Jose Odabar, 27, at  Emily Respecio, 32, pawang taga-Taguig City.

Sa report, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Taguig City Police laban sa suspek na si Tenerife sa Purok 9, PNR Site, Western Bicutan, dakong 7:30 ng gabi.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Binentahan ng suspek ang police poseur buyer na si Patrolman Randolph Arlos ng isang pakete ng droga at nang tangkaing arestuhin ay biglang inagaw umano ni Bernardo ang kanyang baril.

Kaagad umano nitong pinaputukan ang mga pulis kaya nagkaroon ng sagupaan na ikinabulagta ng suspek.

Nasamsam sa mga ito ang ₱455,600 halaga ng shabu; isang Cal. 9mm pistol at drug paraphernalias.

Sasampahan ang mga suspek ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa Comprehensive of Firearm and Ammunition Regulatory Act.

Bella Gamotea