Tapat na inamin ng young mom na si Janella Salvador na hindi na sila nagkakausap ng kaibigang si Julia Barretto, na hindi naman niya binanggit kung ano ang dahilan.

Naganap ang pag-amin sa kaniyang mga kaibigang celebrity twins na sina Joj at Jai Agpangan, na mukhang alam na rin ang tunay na rason, noon pa man.

“Honestly, di na kami nag-uusap ngayon and there was an issue before… di ko na sasabihin kung ano pero alam n'yo na 'yun,” saad ni Janella.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Joj at Jai Agpangan at Janella Salvador/Screenshot mula sa YT/Joj and Jai Agpangan OFFICIAL

Huling usap daw nila ay nang mabalitaan nito ang kaniyang pagbubuntis, sa anak nila ng boyfriend na si Markus Paterson.

"Nag-reach out siya nang nalaman niyang buntis ako, sinendan niya ako ng balloons tapos nag-thank you ako pero hindi na nag-progress ang friendship namin, pero open naman ako in the future na if ever we cross paths again, eh 'di why not?” pag-amin pa ni Janella.

Noong 2020, nakatambal ni Janella ang ex-boyfriend at katambal ni Julia na si Joshua Garcia, para sa suspense-drama teleseryeng 'The Killer Bride' na ipinalabas sa ABS-CBN. Suspetsa ng marami, maaaring dito nag-ugat ang kanilang tampuhan.