Hindi pa man naipapalabas ang proyekto sa Kapuso Network, muling mapapanood ang premyadong aktor na si Christopher De Leon sa Kapamilya Network, matapos palitan si ian Veneracion sa teleseryeng 'Huwag Kang Mangamba' na pinagbibidahan ng Gold Squad.

Inilapas na ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment ang isang teaser tungkol sa kararter ni Christopher, na inilabas nitong Setyembre 23. Makikitang suot din ni Christopher ang mga damit na isinuot ni Ian, sa naunang teaser.

Nag-back out si Ian sa teleserye dahil umano sa conflict sa mga schedules nito.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Larawan mula sa FB/Dreamscape Entertainment

Huling proyekto ni Christopher sa Kapamilya Network ang teleseryeng 'Love Thy Woman' na pinagbidahan nina Kim Chiu at Xian Lim. Si Xian Lim ay nasa Kapuso Network na, bilang katambal naman ni Jennylyn Mercado para sa 'Love. Die. Repeat.'

Matapos ang teleserye sa Dos ay tumanggap ng proyekto si Christopher sa Kapuso Network. Kabilang siya sa 'The Lookout', sa anthology series na 'I Can See You,' at mapapabilang din sa GMA Public Affairs series 'Lolong,' na pagbibidahan ni Ruru Madrid, subalit hindi pa ito umeere sa telebisyon.

Si Christopher ay malayang maging Kapuso o Kapamilya dahil freelance artist naman siya, o walang eksklusibong kontrata sa alinmang TV network.