Humihirit ang grupo ng mga guro na dagdagan ng gobyerno ang kanilang bayad sa pagsisilbi sa idaraos na halalan sa 2022.

“As teachers will be at the frontlines of possibly one of the most precarious elections in recent years, we are calling on our legislators to not be too tightfisted and allot significant amount for poll workers’ compensation and for the establishment of safety and protective measures,” ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines Secretary General Raymond Basilio.

Nitong Miyerkules, sumugod ang grupo ng mga guro sa House of Representatives sa gitna ng paghihimay ng Kongreso sa budget ng Comelec para sa 2022.

Dismayado anila ang grupo sa pagtapyas sa badyet ng Comelec sa kabila ng indikasyon na isang malaking hamon ang idaraos na halalan sa susunod na taon dulot na rin ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Nangangamba aniya ang mga gurong magsisilbi bilang Boardof Electoral Inspectors (BEIs) dahil sa banta ng nasabing sakit kaya humihirit sila sa gobyerno na bayaran nang tama at magarantiyahanang kapakanan ng mga ito.

“These are key to strengthening efforts to ensure a proper, peaceful, and safe conduct of the 2022 elections,” aniya pa.

Merlina Malipot