Naaliw ang mga netizens sa tweets ni Angel Locsin kaugnay ng lindol na naganap sa Occidental Mindoro at sa iba pang mga karatig-lalawigan kung saan naramdaman ang pagyanig.

"When I felt the earthquake, naisip ko… shit wala kong bra," nakatutuwang hirit niya.

Larawan mula sa Twitter/Angel Locsin

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

"But seriously, ang lakas no'n. Hope everyone is safe."

Ganoon din ang tema ng kaniyang sinabi sa isa pang tweet.

"Me pag lindol: Kailangan mag-duck or lumabas! Ay yung GO bag! Teka yung face mask! At face shield pa pala! Yung aso! Lente yung bra ko pa!"

Larawan mula sa Twitter/Angel Locsin

Marami sa mga netizens na babae ang relate much dito.

"Hahaha, let's normalize seeing braless women in times of emergency na."

"Relate! Pero I’ve learned na unhook na lang ang bra para in case of emergency may suot pa rin."

"I feel you Angel! hahahaha pero ang sinumang naka-bra pa ng ganitong oras ay di dapat pagkatiwalaan."