SAN ANTONIO, Nueva Ecija-- Patay ang isang 50-anyos na magsasaka matapos na pagbabarilin ng kanyang kabarangay sa harap ng mga agricultural workers sa Purok 4, Brgy. Sta. Barbara noong Linggo ng gabi.          

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Benito De Luna, residente ng nasabing lugar na tatlong beses na pinagbabaril ng suspek na si Joselito Gatos, na ngayo'y pinaghahanap na ng mga awtoridad.           

Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari, nagtatrabaho sila sa loob ng compound nang bigla umanong dumating ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima hanggang sa bumulagta sa lupa.           

Hindi pa matukoy ng mga imbestigador ang motibo ng pamamaril at kung sino ang nasa likod ng pagpatay habang patuloy pa ang imbestigasyon.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Light A. Nolasco