Kinuwestyon ng mga netizens ang pagkuwenta ni Miss Universe Philippines 2009 Bianca Manalo sa haba ng relasyon nila ni Senator Win Gatchalian.

Mababasa sa Instagram post ni Bianca para sa anniversary message niya sa boyfriend na anim na taon na umanong persistent sa kaniya si Win.

"For 6 years, Sherwin was very persistent. Kuwento ko sainyo one of these days kung paano ang love story namin," aniya sa paghuling talata ng kaniyang caption.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/28/bianca-manalo-may-sweet-anniversary-message-para-kay-sen-win/">https://balita.net.ph/2021/09/28/bianca-manalo-may-sweet-anniversary-message-para-kay-sen-win/

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon sa isang personal na blog site at Facebook page na 'TPL3' o The Political Labandera, tila kuwestyunable daw ang ginawang computation ni Bianca. 2019 lamang daw kinumpirma ni Bianca na sila na ni Win, at noong 2018, ang boyfriend nito ay ang Mayor ng bayan ng Pandan sa Antique na si Jonathan Tan.

"Segway muna tayo showbiz konte…kasi politiko naman ang involved. Sabi ni Bianca Manalo na 6 years na sila ni Sherwin Gatchalian. Okaaaaaaay. Pero sa pagkakatanda namin, noong 2018, hindi pa naman si Sherwin ang bf nya. Mayor ng Antique bf niya noon. And 2018 is what? 3 years ago," saad sa caption.

Dalawa lang umano ang ibig sabihin nito.

"So, either mahina si Bianca Manalo sa subtraction or inaamin niya that she cheated on her former bf Mayor just to hook up with a Senator. OOOOOOOY. Bad. Pero, in fairness, Level up sa jowa naman talaga ang naganap. Cge. Walang basagan ng trip."

Kaya naman may 'unsolicited advice' siya sa senador.

"Anyway, Win, alam namin sa negosyo background mo at pamilya mo kaya magaling ka naman sa Math, paki turuan mo jowa mo basics ng addition and subtraction! Mahirap ang malugi. Ayaw na ayaw ng mga Fil-Chinese businessmen na nalulugi. Di ba?"

Larawan mula sa FB/TPL3

Narito naman ang ilan sa reaksyon ng mga netizens:

"Baka naman nagkamali lang sa compute! Kayo naman, masyadong judgmental!"

"From my understanding sa caption ni Bianca when she said 6 years nang persistent si lalake, meant 6 years na s'yang nililigawan. Pero ang kapal pa rin pa rin kasi mukhang ineentertain naman n'ya kahit in a relationship pa s'ya noong time na yun. Yung bf niya yung kasama niya sa tumaob na bangka with Ehra Madrigal and husband yata."

"Baka nililigawan siya at that time while in a relationship. Persistent si guy siya naman na marupok, may I entertain haha, wait tayo sa kuwento niya, kukuwento raw niya love story nila eh."

As of this writing ay wala pa namag naikukuwento si Bianca hinggil sa love story nila ni Win, o kaya naman ay komento hinggil dito.