Nauwi sa kahindik-hindik na trahedya ang masayang paliligo sa Tinubdan Falls sa Catmon, Cebu matapos rumagasa ang putik-putik na tubig mula sa naturang talon, na naging dahilan upang matangay ang tatlong katao nitong Setyembre 26, 2021.

Kinilala ang mga nawawalang sina Jacel Alastra, 32, residente ng Barangay Talangahan, Tuburan, anak niyang babaeng si Princess, 7, at pamangking lalaki na si Kent Junde Monterola, 17.

Sa kuhang video ng drone shots na ibinahagi ni 'Gha Capuyan Landero' sa kaniyang Facebook, makikitang payapa pa ang agos ng tubig sa talon. Maya-maya, bigla na lamang rumagasa ang putik-putik at kulay-lupang tubig mula sa itaas. Agad na nagsilikas ang mga naliligo rito, subalit hindi umano pinalad ang nabanggit na tatlong kataong nawawala.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Video mula sa Facebook ni Gha Capuyan Landero (https://www.facebook.com/ghaga.c.landero)

Video mula sa Facebook ni Gha Capuyan Landero (https://www.facebook.com/ghaga.c.landero)

Video mula sa Facebook ni Gha Capuyan Landero (https://www.facebook.com/ghaga.c.landero)

Sa video namang kuha ni Carlos Dolendo, makikitang sinikap na mailigtas ang isa sa mga biktima, subalit hindi ito pinalad, dahil sa labis na lakas ng tubig.

Larawan mula sa FB/Carlos Japitana Dolendo

As of this writing ay hindi pa natatagpuan ang katawan ng mga nabanggit na tao.

Ang Tinubdan Falls ay isa sa mga ipinagmamalaking tourist spots sa Catmon, Cebu City. Makikita ito sa Barangay Tabili.

Ang salitang 'tinubdan' ay isang salitang Cebuano na nangangahulugang 'source' o mapagkukunan dahil batay sa kuwento ng mga lokal, sadyang ginawa ito ng mga Amerikano noon bilang mapagkukunan ng kuryente o hydroelectric energy para sa kanilang mga kampo, na nasa Agsuwao, Catmon. Marami umanong mga maliliit na talon at iba pang anyong-tubig na matatagpuan sa paligid nito.