Nasamsam ng ilang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agents ang nasa P2.04 milyong halaga ng shabu matapos ang pag-aresto sa dalawang hinihinalang drug pushers sa ginawang entrapment operation sa San Jose, Del Monte, sa Bulacan nitong Lunes, Setyembre 27.

Tinukoy ni PDEA Central Luzon Regional Director Bryan Babang ang dalawang suspek na sina Ton Ton Kudarat, 31, na residente ng Quiapo Manila at si Zanaira Ibra, 26, mula East Fairview, Quezon City.

Gulat at arestado ang dalawang suspek na hindi na umano nakapalag nang posasan ng operatiba ng PDEA, alas-2:00 ng hapon nitong Lunes.

Maliban sa 300 gramong shabu naka-pack sa dalawang pirasong taling nakabuhol sa isang transparent ice bag, narekober din ang isang yunit ng Honda motorcycle at ang marked money.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang mga naarestong indibidwal.

Chito Chavez