Kumpiyansa ang dating konsehal na ngayon ay businessman na si Don Bagatsing na uunlad ang mga maliliit na negosyante sa tulong ni Manila Mayor Isko Moreno.

Ayon kay Bagatsing, maganda at napapanahon ang General Tax Amnesty plan ng lungsod ng Maynila na magsisimula ngayong Oktubre 1 hanggang Disyembre 29, 2021.

Sinabi ni Bagatsing na uusbong ang mga maliliit na negosyo dahil sakautusang ito ni Mayor Isko.

“Imbes na penalty at interest ang babayaran para lang mag-bukas, madadagdagan ang capital ng mga maliliit na mga negosyo, maraming maeenganyo magtayo at muling magbukas ng kanilang mga negosyo,” ayon pa kay Bagatsing. 

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Mary Ann Santiago