NUEVA ECIJA - Dinakma ng mga awtoridad ang isang babae na umano'y pekeng nurse na nag-aalaga ng isang pasyenteng nakarekober sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa San Antonio ng lalawigan, kamakailan.

Nasa kustodiya na ng San Antonio Municipal Police ang suspek na siClaudia Castro, alyas Claudia Sansales,34, dalaga, at taga-Brgy. Bungo, Gapan City.

Inaresto si Castro batay na rin sa reklamo ng pasyenteng siMarichor Clemente, 51, taga-CamiasSt. San Francisco, San Antonio ng lalawigan.

Sa imbestigasyon ni Staff Sgt. Lennen Miranda, may hawak ng kaso, gumamit umano ng pekeng credentials ang suspek at pinatunayan umano ito ng private doctor na si Erwin Roque, taga-Angeles City sa Pampanga.

Probinsya

10-anyos na batang babae, natagpuang patay; basag-bungo, walang saplot pang ibaba

Kinuha umano ni Clemente si Castro upang siya ay alagaan sa loob ng 12 araw simula Setyembre 20 matapos makarekober sa sakit.

Sinabi ni Miranda na nagkasundo ang biktima at ang suspek sa bayad na8,000 kada araw. Gayunman, ipinaalam umano sa kanila ni Roque na pekeng nurse si Castro kaya ito ayipinaaresto.

Ayon kay Miranda, nagduda si Roque sa suspek nang hindi maintindihan ng huli ang mga medical terms at procedures na dapat niyang gawin, katulad ng pag-monitor ng vital signs ng pasyente matapos silang mag-usap online.

Nahaharap ang suspek sa kasong estafa, ayon pa sa imbestigador.

Light Nolasco