Nawindang ang mga subscribers at followers ng mommy vlogger na si Toni Fowler, matapos nitong tulungan ang umano'y nang-scam sa kaniyang ex-boyfriend na si Rob Moya, para mag-propose sa panibago nitong nililigawang si 'Jen,' upang maging girlfriend.

Sa latest vlog ni Rob na may pamagat na 'SHE SAID YES,' makikitang nasa venue ng paggaganapang proposal si Toni, sa mismong bahay nito, at inihahanda nila ng kaniyang mga kasama ang mga lobo at malaking heart sa sahig, na pinagsama-samang tatlulot o petals ng mga rosas.

Bagama't emosyunal, ipinaliwanag ni Toni na masaya siya para sa panibagong milestone sa buhay ng kaniyang 'bessy' na si Rob, at masaya siyang makitang masaya ang kaniyang mahal.

"Syempre kapag mahal mo yung isang tao… (naiiyak ako), pag mahal mo yung tao, syempre masaya ako para sa kaniya kasi magmamahal na siya ulit, masaya na siya ulit, naka-smile na siya ulit, inspired na siya ulit… marami naman siyang tamang ginawa para sa akin eh, at masaya na ako kasi hindi rin ako totally maka-move forward sa buhay kasi, kapag alam mong hindi okay yung ex mo, eh may pinagsamahan kayo, na marami kayong shinare sa buhay n'yo, kaya this time masaya na ako dahil magiging okay na siya…" paliwanag ni Toni.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa dulo ng vlog, makikitang tinanggap naman ng babae ang proposal ni Rob na maging jowa nito. Nagpaalam din si Rob sa naging anak-anakan niyang si Tyronia, na anak ni Toni.

Matatandaang noong May 2021 ay ibinuking ni Toni na ginagamit umano ni Rob ang pera niya para sa umano'y pambababae nito.

"Kawawa naman yung babaeng nakikisali. Dahil sinali mo sa gulo. P*TA PERA KO PA PINANGBILI MO NG TEDDY BEAR NA NIREGALO MO HAHAHAHA! SABAY BIGAY NG MGA DAMIT NA PINAMILI KO HAHAHAHA! SABAY SAKAY SA KOTSE KO HAHAHAHA!" tweet ni Toni noong Mayo 2021.

Noong una, ayaw pang isiwalat ni Toni ang dahilan ng break-up nila ni ex-jowa, pero sa udyok na rin ng kaniyang followers at kaibigan, ibinunyag niya na tinangayan siya umano nito ng pera na nakalaan sana para sa junakis niyang babae na si Tyronia.

3M umano ang pera sa bank account ni Tyronia na ipinagkatiwala ni Toni kay Rob, pero natuklasan na lamang niya na bawas na ito, at Php 200,000 na lamang ang natitirang pera na para sana sa kinabukasan ng bagets.

Bukod sa andabels, may mga sasakyan pa umanong kinuha ang ex-jowang ito ni Toni na ipinaubaya na lamang niya rito. At ito ang pangunahing dahilan ng kanilang hiwalayan. Nakisawsaw na nga ang sikat na programa ni Raffy Tulfo sa kanila; Ngunit sa huli, mas pinili ni Toni na magpaka-mother Earth na lang kay Tyronia at gumora na lamang sa buhay kasama ang junakis at mga kaibigan.

Meet the trending #ToRoFamily, Toni Fowler, Rob Moya, and Tyronia | GMA  Entertainment
Toni Fowler at Rob Moya (Larawan mula sa Balita Online)

Sa ngayon ay masaya na rin si Toni sa kaniyang karelasyon na si Tito Vince, na isa sa mga dahilan umano para sumailalim siya sa proseso ng 'pagpapasikeps' o Thermiva, na ibinahagi naman niya sa kaniyang YouTube channel. Ito ay isang non-surgical procedure para sa ‘labia and vaginal tightening and rejuvenation,’

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/09/toni-fowler-nagpasikeps/

“Ang dahilan kung bakit ako nagpapaganito dahil anti-aging ng p*pe. Anti-laylay,” natatawang sabi niya.