Kinasal nitong Sabado, Setyembre 25, ang aktres na si Kris Bernal sa kanyang longtime boyfriend at businessman na si Perry Choi sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish.

Sa espesyal na bridal march ng aktres, nag-alay ng tagos pusong pagkanta ang multi-awarded OPM singer na si Jonalyn Viray o mas kilala bilang “Jona."

Sa binahaging full-length video ng pagkanta ni Jona sa kasal, suot ang formal white jumpsuit dress, buong pusong kinanta ng sikat na singer ang “Ikaw” ni Yeng Constantino.

Para masunod pa rin ang health protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF), suot ni Jona ang mask hanggang matapos ang kanta.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Makikita sa video ang hindi mapigilang emosyon ng aktres habang naglalakad sa aisle na puno ng sunflower.

Kilalang magkaibigan si Kris at Jona na parehong produkto ng mga talent shows sa GMA Network.

Si Jona ang nasa likod ng mga hit songs na “Maghihintay Ako,” “Sampu” at “Tinatapos Ko Na.”

Ang singer din ang nagpasikat sa mga OPM classics “You,” at “Pusong Ligaw" sa kanyang bagong mga renditions.