Matapos ang pag-anunsyo ni Claudine Barretto na tatakbo siya bilang konsehal sa Olongapo City sa ilalim ng ticket ng talent manager na si Arnold Vegafria, lumabas ang isang infographic na mukhang magkakatapat sila ng ticket ng asawang si Raymart Santiago, na tumatakbo umano bilang Vice Mayor.

Subalit pinabulaanan ito ng showbiz columnist na si Ogie Diaz, sa kaniyang entertainment vlog na 'Showbiz Update.' Aniya, maaaring ito ay meme lamang na gawa-gawa ng sinuman para lamang sakyan ang desisyon ni Claudine na tumakbo sa pagka-konsehal ng Olongapo.

Screenshot mula sa YT/Ogie Diaz Showbiz Update

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Screenshot mula sa YT/Ogie Diaz Showbiz Update

Speaking of pagtakbo ni Claudine, may mga netizens umano ang kumukuwestyon sa kaniya dahil tila hindi pa raw nakaka-isang taong nanirahan si Claudine sa Olongapo. Nasa panuntunan kasi ng Commission o Elections o COMELEC na makakatakbo ang isang kandidato kapag nakaisang taon na siya ng residency sa isang lugar.

Wala pa namang pahayag ang kampo ni Claudine hinggil dito.