Aabot sa kabuuang ₱1,034,008 halaga ng shabu o methamphetamine hydrochloride at baril ang nasabat sa isang 72-anyos na babae sa isang buy-bust operation sa Taguig City, nitong Biyernes.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) chief, Brig. Gen. Jimili Macaraeg anG suspek na si Vilma Isani, alyas “Madam” at taga- Brgy. Napindan, Taguig City.

Sa ulat ng SPD, dinampot ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ang suspek sa St., UMC Village, Brgy Napindan, dakong 5:30 ng hapon. 

Nakumpiska sa suspek ang 152.06 gramo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng ₱1,034,008, isang Cal. 45 Armscor, tatlong bala, isang magazine at marked money.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Kakasuhan si Isani ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Bella Gamotea