NUEVA ECIJA - Pansamantala munang isinailalim sa lockdown ang municipal hall ng Guimba matapos mahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 17 sa mga kawani nito, kamakailan.
Bukod sa 17 na empleyado, nagpositibo rin sa antigen test ang 20 iba pa na umabot sa 450 ang close contacts, ayon kay Mayor Jose Dizon.
Gayunman, nilinaw ng alkalde na hindi maaapektuhan ang serbisyo sa nasasakupan nito.
Ipinasya ring i-lockdown ang Guimba Community Hospital nang maiulat na karamihan sa mga health workers nito ay tinamaan din ng virus.
Dini-disinfect pa ang ospital bago ito buksan sa publiko sa Setyembre 27, paliwanag pa ng alkalde.
Nitong Setyembre 23, nakapagtala ang lokal na pamahalaan ng 1,091 confirmed COVID-19 cases na
may 19 na bagong kaso, 399 ang antigen positive, 868 ang naka-recover at70 naman ang binawian ng buhay.
Light Nolasco