Interesadong lumahok sa Miss Universe Philippines pageant si Rita Gaviola o mas unang nakilala bilang si 'Badjao Girl' na pumukaw sa interes at atensyon ng mga netizens noon, dahil sa kaniyang nakabibighaning kagandahan, na naibahagi dahil sa mga kuhang litrato ng isang photographer, habang siya ay nasa kalsada at nagaganap ang Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon.

Badjao Girl,' isa sa mga teen housemates ng 'PBB' | ABS-CBN News
Larawan mula sa IG/Rita Gaviola

Makikita sa kaniyang Instagram post noong Setyembre 18, 2021 ang kaniyang litrato na talagang lutang na lutang ang kaniyang ganda, na may caption na "Soon sasali na tayo sa miss u."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Larawan mula sa IG/Rita Gaviola

Tumugon din siya ng "Soon" sa isang netizen na nagtanong sa kaniya kung susundan ba niya ang yapak ng dating Pinoy Big Brother housemate at ngayon ay kandidata ng MUP na si Kisses Delavin.

Saad naman ng mga netizens, mukhang kering-keri naman niya ang sumali sa MUP basta sumailalim siya sa matinding pagsasanay.

Kung titingnan ang mga IG posts ni Rita, talagang malaki na nga ang nagbago sa kaniyang hitsura at estilo ng pananamit.

Larawan mula sa IG/Rita Gaviola

Larawan mula sa IG/Rita Gaviola

Larawan mula sa IG/Rita Gaviola

Si Rita Gaviola ay mas nakilala pa nang pumasok siya bilang housemate sa PBB noong 2016.